Mga Senyales ng Pagka-Inlove.
Isa sa bahagi ng ating buhay ay ang magmahal. Pero bago pa man natin masasabi na tayo’y inlove, May mga senyales muna na makapagsasabi o makapagpapatunay na tayo ay inlove talaga. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Di ka mapakali pag di mo siya nakakausap.
- Kinikilig ka sa mga sinasabi niya.
- Kailangan lagi mo siyang nakikita.
- Kailangan updated ka sa mga ginagawa niya.
- Pag nag-kakatampuhan wagas kung mag-suyuan.
- Grabe mag-ILOVEYOUhan parang wala ng bukas.
- Puyatan para lang makapag-usap.
- Effort kung effort para lang mapasaya siya.
- Kinikilig sa mga simpleng text.
- Sobra kung pahalagahan ang isa’t-isa.
- Kung alagaan ang isa’t-isa daig pa ang alagang aso.
- Gagawin lahat para lang mag-kaayos kayo.
- Di mapakali kapag galit.
- Kailangan mag-papaalam muna kung may lakad.
- Yari kapag di nakapag-paalam.
- Sobra kung mag-alala sa tuwing may mga lakad.
- Halos walang araw na nag-daan kung mag-sabihan ng “Mahal kita”
- Excited makita ang isa’t-isa.
- Date dito, date jan.
- Bigay dito, bigay jan.
- Kailangan sabay matulog.
- Kailangan may mga goonight messages pahabaan pa kung minsan.
- Lagi kang papaalalahan na kumain ka sa oras.
- Kapag di ka kumain magagalit o mag-tatampo.
Tama ba ako? Maaaring ang mga iba sa kanila ay hindi sumasang-ayon sa iyong sariling karanasan. Pero ang lahat ng mga ito ay pawang mga senyales ng pagka-inlove. Sa mga first time ma-inlove, aba’y dapat basahin niyo ito at ng malaman niyo kung kayo ba talaga ay nagmamahal o humahanga lamang. :)
- You might also like to read:
Source: doctorswagger













